Home > News Higit P7-milyong halagas ng shabu nasabat sa QC ABS-CBN News Posted at Feb 07 2023 06:42 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Balik-rehas ang isang 37-anyos na suspek na tulak umano ng ilegal na droga. Naaresto ang suspek matapos ang buy-bust operation ng QCPD Drug Enforcement Unit sa Munoz Market sa Barangay Katipunan, Project 7, Quezon City, Lunes ng gabi. Mahigit isang kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa apat na sachets at tinatayang nagkakahalaga ng P7.1 million ang nasamsam ng mga awtoridad. Base sa record ng pulisya, tatlong beses nang nakulong ang suspek sa kahalintulad na kaso at pangalawa siya sa most wanted persons sa drug watchlist ng QCPD. Koreano at kasintahang Pinay, arestado dahil sa droga Nagagawa umano nitong makapagpiyansa kaya nakakalaya at nakakabalik sa pagtutulak. Ilang linggong tiniktikan ng pulisya ang suspek bago kinasa ang operasyon nitong Lunes ng gabi. Hindi naman nagpaunlak ng pahayag ang suspek. Nahaharap sa panibagong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. - Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: shabu droga Katipunan Quezon City