200 baboy sa Davao City patay dahil sa African swine fever

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2020 08:53 AM

Watch also in iWantTFC

Kinumpirma ng Department of Agriculture na African swine fever o ASF ang naging sanhi ng pagkamatay ng 200 baboy sa loob lamang ng 2 linggo sa dalawang barangay sa Calinan District, Davao City.

Sa ngayon, 2,000 baboy na nakapaloob sa 1-kilometer radius ng apektadong lugar ang nakatakdang katayin para maagapan ang pagkalat ng sakit.

Naka-lockdown na rin ang produktong baboy at iba pang livestock sa nabanggit na distrito.

Dahil sa ASF, apektado na rin ang mga negosyo gaya ng mga nagbebenta ng feeds at kangkong na pagkain ng baboy.

—Umagang Kay Ganda, Biyernes, 07 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.