Lalaki nanaksak ng bata dahil sa 5 piso

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 09:27 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

TAAL, Batangas - Inaresto ang isang lalaki sa bayang ito matapos umanong saksakin ang batang kumuha sa kaniyang P5 nitong Lunes ng gabi.

Nagalit ang 23-anyos na si William Anorico nang malaglag ang kaniyang barya at pulutin ito ng 11-taong-gulang na biktima sa loob ng computer shop, ayon sa mga pulis.

Sinaksak ni Anorico sa braso at tiyan ang biktima. Agad naaresto ang binata matapos ang krimen.

Pag-amin niya, "Sa maliit na halaga, nagkaroon ako ng masamang nagawa. Nakasaksak ako ng isang bata, pero pinagsisihan ko naman po ang nangyari."

"Sorry saka patawad na lang ho," dagdag ng binata.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima, pero desidido umano silang kasuhan si Anorico.

Nakalabas na sa ospital ang bata at nagpapagaling sa kanilang bahay.

Umagang Kay Ganda, 7 Pebrero 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.