Home > News Mental health 'di basta-basta lang na usapin: eksperto ABS-CBN News Posted at Feb 06 2023 11:55 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Pinaalala ng isang opisyal ng grupo ng psychology experts na malaking usapin ang mental health at malawak ang ibig sabihin nito. Ayon kay Dr. Ver Reyes, internal relations officer ng Psychological Association of the Philippines, kailangan maintindihan ng publiko na iba-iba ang approach at pamamaraan ukol sa mga problema sa mental health. Para sa mga estudyante, may pagkakataon umano na kailangan ng mga mga may concerns sa mental health ng gamot, counseling o dynamics, minsan base sa environments o dynamics sa eskwelahan. Ani Reyes, kung pag-uusapan ang tolerance, may mga iba't ibang pamamaraan para matugunan ito, kabilang para sa mga estudyante pa lang. Aniya, noong pandemya na nasa online classes pa lang ang mga estudyante, ay nababalisa na ang mga tao. "Apng ag-alis sa on-site classes, nakaapekto ito and it created anxiety. Paano pa kung deliberate ang obstacles?" ani Reyes. Kamakailan, sinabi ni Sen. Ronald dela Rosa at Defense Secretary Carlito Galvez na maraming pakinabang para sa mga estudyante ang ipinapanukalang mandatory Reserve Officers' Training Corps (ROTC). ROTC makatutulong kontra mental health problems: DND chief Anila, makatutulong sa mental health problems ng mga estudyante ang ROTC. - SRO, TeleRadyo, Pebrero 6, 2022 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, SRO, PatrolPH Read More: Psychological Association of the Philippines mental health ROTC Reserve Officers' Training Corps