Mga pasahero sa MRT, dagsa pa rin sa kabila ng banta ng 2019-nCoV

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2020 07:08 AM

Watch also in iWantTFC

Dagsa pa rin ang mga pasaherong sumasakay sa MRT North Avenue station sa kabila ng banta ng novel coronavirus o 2019-nCoV. 

Sa ngayon, hindi pa masasabi ng MRT kung bumaba na ba ang bilang ng mga pasahero ng tren dahil sa naturang virus. 

Nauna nang ipinag-utos ng Department of Transportation o DOTr na maghigpit ang lahat ng pampublikong transportasyon, kasama na ang tren.

Sa loob ng istasyon, nakasuot na ang frontline staff and security ng face mask. May mga sabon at hand sanitizer na rin sa mga banyo at sa ibang bahagi ng istasyon na pwedeng magamit ng mga pasahero.

Kasama sa mga rekomendasyon ng Department of Health para makaiwas sa 2019-nCoV ang umiwas sa mataong lugar o lumayo ng isang metro sa mga tao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.