13,000 baboy na tinamaan ng ASF sa Davao Occidental, sasailalim sa culling

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2020 07:58 AM

Watch also in iWantTFC

Aabot sa 13,000 baboy ang ika-culling matapos matamaan ng African swine fever o ASF ngayong Miyerkoles sa Don Marcelino, Davao Occidental, matapos magdeklara ng state of calamity sa kanilang lugar. 

Aminado ang Sangguniang Bayan ng Don Marcelino na nagulat sila sa pagpasok ng ASF sa kanilang lugar, lalung-lalo nang isa ito sa pinakamalayong lungsod sa Davao Occidental.

Nagdeklara na rin ng state of calamity ang bayan ng Malita at Santa Maria kahit hinihintay pa ang confirmatory test kung ASF nga ang dahilan ng pagkamatay ng ilang baboy sa mga nasabing lugar.

Mahigpit na rin ang inspeksyon na ipinapatupad sa Davao City para masiguro na walang makakalusot na baboy o pork products galing sa 2 probinsiya ng Davao del Sur at Davao Occidental.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.