Duterte, itinuturing nang terorista ang CPP-NPA-NDF

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2017 09:34 PM | Updated as of Aug 04 2017 11:24 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Personal na ibinigay ng pangulo ang Military Merit Medal with bronze anahaw leaf sa mga biyuda ng tatlong sundalong namatay sa pananambang ng NPA sa Malaybalay City, Bukidnon nitong Miyerkules. Pagkilala ang medalyang ito sa kabayanihan ng mga pinatay na sundalo. Sa harap ng pamilya ng mga sundalo, naglabas ng galit ang Pangulo sa mga komunistang grupo. Simula raw ngayon, itinuturing na niyang teroristang grupo ang CPP-NPA-NDF. TV Patrol, Linggo, 5 Enero 2017