Home > News 4 teenager sa Parañaque nahulihan ng P3.4-M shabu Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News Posted at Feb 04 2021 07:10 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA - Arestado ang 3 lalaki at isang babae na edad 18 hanggang 21 sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay San Dionisio, Parañaque City Miyerkoles. Sa ulat ng PDEA, inaresto ang grupo sa loob ng sasakyan na nakaparada sa Quirino Avenue pasado alas-5 ng hapon. Nasabat ang tinatayang P3.4M halaga ng shabu sa 3 babae at lalaki sa buy-bust operation ng PDEA Special Enforcement Service sa San Dionisio, Parañaque City (Courtesy: PDEA) pic.twitter.com/iZYZXSyDET — Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) February 3, 2021 Dito nagsagawa ng transaksyon ang 2 lalaki sa undercover agent ng PDEA Special Enforcement Service para mag-abot ng droga. Hinuli rin ang 2 iba pa na tinuturong kasama ng mga suspek. Nasabat ng PDEA ang tinatayang 7 plastic na may 500 gramo o nasa P3.4 milyong halaga ng shabu. Nang arestuhin, sinabi ng nag-abot ng droga na napag-utusan lang siyang gawin ito. Itinanggi pa ng grupo na magkakakilala silang lahat. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Drug war, war on drugs, shabu, PDEA, Philippine Drug Enforcement Agency, Paranaque Read More: Drug war war on drugs shabu PDEA Philippine Drug Enforcement Agency Paranaque