Mga pamilyang lumikas sa volcano island, nananatili sa evacuation center

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 08:06 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nahihirapan pa rin ang mga pamilyang lumikas mula sa Volcano Island na maging maayos ang kanilang kalagayan sa kabila ng paglikas nila sa pabahay ng National Housing Authority.

Kagaya na lamang ni Lalaine, isang evacuee, pansamantala muna siyang tumutuloy sa ginagawang rehabilitation center sa Barangay Malainin, Ibaan, at idinadaing niya ang hirap ng kalagayan nila, walang maayos na higaan at hindi makatulog.

“Ang gusto po naming mailipat na kami sa pabahay na sinasabi niya, para yung mga may bata magkaniya-kaniya na kami kwarto. Ang hirap po kasi eh ganyang siksikan,” ani Lalaine.

—Umagang Kay Ganda, Martes, 04 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.