Mga hakbang ng gobyerno vs novel coronavirus hinimay sa Senado

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 08:21 PM | Updated as of Feb 04 2020 08:48 PM

Watch also in iWantTFC

Nagturuan sa Senate hearing nitong Martes ang ilang opisyal ng gobyerno sa umano ay mabagal na contact tracing sa mga nakasalamuha ng 2 Chinese na nagpositibo sa 2019 novel coronavirus. Matapos namang gisahin ng mga senador, nagbanta si Health Secretary Francisco Duque III na sisibakin ang mga tauhan ng Department of Health na hindi nagtrabaho nang wasto sa harap ng banta ng virus. Nagpa-Patrol, Sherrie Ann Torres. TV Patrol, Martes, 4 Pebrero 2020​

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.