Mga face mask, out of stock pa rin sa kabila ng abiso ng DOH

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 07:54 AM

Watch also in iWantTFC

Out of stock pa rin ang face mask sa kabila ng mga paalala ng Department of Health o DOH na hindi kailangang mag-panic sa pagbili ng mga face mask lalo na kung wala namang sakit.

Dahil pa rin sa banta ng novel coronavirus o 2019-nCoV, maraming ang nagmamadaling bumili ng face mask nitong mga nakalipas na araw.

Ayon sa DOH, hindi kailangan na magsuot ng face mask kung wala namang ubo o sipon. Nag-abiso rin ang ahesiya na panatilihing maganda ang resistensiya at hangga’t maaari’y umiwas sa mataong lugar.

—Umagang Kay Ganda, Martes, 04 Pebrero, 2020 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.