Higit 300 flight, apektado ng travel ban

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 07:54 AM

Watch also in iWantTFC

Higit 300 mga flight ang apektado dahil sa travel ban sa China, Hong Kong, Macau at Special Administrative Region. 

Ito’y para maiwasan na ang pagkalat ng novel coronavirus o 2019-nCoV mula sa mga lugar na nabanggit. 

Dahil dito, may ilang mga overseas Filipino na mula sa mga lugar na sakop ng travel ban ang nagpasyang hindi muna umuwi dahil maiksing panahon lang din ang ibinigay sa kanilang bakasyon ng kanilang employer. 

—Umagang Kay Ganda, Martes, 04 Pebrero, 2020 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.