Duterte: Huwag mabahala sa banta ng 2019-nCoV

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 07:54 AM

Watch also in iWantTFC

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag mabahala ang mga Pilipino sa novel coronavirus o 2019-nCoV.

“Everything is well in the country. There is nothing really to be extra scared of that coronavirus thing although it has affected a lot of countries. You know one or two in any country is not really that fearsome,” ani Duterte.

Nanawagan din ang Pangulo na huwag isisi at magpakita ng diskriminasyon sa Chinese dahil sa pagkalat ng naturang virus. 

Kasama ang mga opisyal ng gobyerno, pinag-usapan nina Duterte sa emergency meeting ang mga hakbang laban sa virus.

Tiniyak din ng pangulo sa publiko na walang itatago ang gobyerno kaugnay sa banta ng 2019-nCoV. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.