PatrolPH

Most wanted ng Region 6 tiklo sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2023 07:43 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Nahuli na sa wakas ang lalaking top 1 most wanted ng Region 6, o Western Visayas, dahil sa kasong rape.

Labing anim na taong gulang pa lang ang pamangking babae na 'di umano'y hinalay ng akusado noong 2020 sa Iloilo.

Dumulog ang ina ng dalagitang biktima sa mga awtoridad matapos umano ang serye ng pananamantala ng akusado.

Ayon kay Police Col. Noel Aliño ng Iloilo PNP, tatlong taon nagtago ang akusado at napag-alamang nasa Laguna ito.

Nahuli ang suspek sa bisa ng isang warrant of arrest sa Brgy. Niugan, Cabuyao, Laguna.

>>>https://news.abs-cbn.com/overseas/01/17/23/london-cop-pleads-guilty-to-20-counts-of-rape

Nasakote ang suspek na itinatanggi ang paratang laban sa kanya.
Hindi raw siya nagtago, at ay kamakailan lang daw niya nalaman ang tungkol sa kasong rape na isinampa laban sa kanya.

Napag-alaman din ng pulis na dating miyembro ng Phlippine Marines ang akusado ngunit nasibak ito sa pwesto.

Ngayong umaga ay ibinyahe na ang akusado pabalik sa Iloilo para doon ikulong at harapin ang paglilitis para sa kasong kinakaharap niya.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.