PatrolPH

Ammonia tumagas sa Navotas ice plant; mga residente inilikas

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2021 07:11 PM

Watch more on iWantTFC

Inilikas ang maraming residente sa Navotas habang 30 tao ang isinugod sa ospital matapos magkaroon ng ammonia leak sa isang ice plant sa Barangay North Bay Boulevard South. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, agad nag-deploy ng mga tauhan ang Bureau of Fire Protection para subukang pahintuin ang gas leak. Nag-issue na rin ng closure order si Tiangco para sa nasabing planta, na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Nagpa-Patrol, Wheng Hidalgo. TV Patrol, Miyerkoles, 3 Pebrero 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.