Mga Chinese-Filipino nalungkot sa paglipana ng mapanirang social media posts

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2020 07:32 PM

Watch also in iWantTFC

Malaking pangamba ang dulot ng labis na pag-iingat ng ilan laban sa 2019 novel coronavirus. Dahil dito, may mga pagkakataong sinisisi sa social media ang mga Chinese gamit ang mga salitang nakakasakit, na itinuturing na racist at may bahid ng diskriminasyon. Apektado tuloy ang mga miyembro ng Filipino-Chinese community at may dugong Tsino. Sa kabila nito, patuloy nilang ipinapakita na narito sila para tumulong. Nagpa-Patrol, Kristine Sabillo. TV Patrol, Lunes, 3 Pebrero 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.