PatrolPH

Luis Manzano ipatatawag ng NBI kaugnay sa investment scam

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2023 09:15 PM

Watch more on iWantTFC

Nagreklamo ang ilang investor matapos umanong mabiktima ng investment scam ng isang fuel company. Kasama sa sinumbong ang actor-host na si Luis Manzano. Pero iginiit ni Manzano na maging siya'y biktima rin ng nasabing kompanya. Nakatakda namang ipatawag ng National Bureau of Investigation ang aktor kaugnay sa reklamo. Nagpa-Patrol, Niko Baua. TV Patrol, Huwebes, 2 Pebrero 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.