Home > News Abiso sa mga motorista: Tulay sa Sampaloc, Maynila isasara ng 7-buwan ABS-CBN News Posted at Feb 02 2021 09:13 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA - Isasara ang Fajardo Bridge sa Sampaloc, Maynila ng pitong buwan. Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) magsasagawa ng total replacement sa naturang tulay. Nasa P35-M ang budget para sa pagpapagawa ng bagong tulay. Inaasahang sa Setyembre matatapos ang proyekto. Fajardo Bridge sa Sampaloc, Maynila, isasara ng 7 buwan para sa pagawa ng panibagong tulay. pic.twitter.com/ysyoEeanzK — Jekki Pascual (@jekkipascual) February 2, 2021 Ang naturang Fajardo Bridge na may habang 14-meters at lapad na 11-meters ay isa lamang sa mga tulay na nakatakdang palitan ng DPWH. Malaki ang inaasahang epekto nito dahil maraming motorista ang dumadaan sa tulay na malapit sa Trabajo Market at Ospital ng Sampaloc. Sa abiso ng MMDA, Lunes pa dapat ito isasara pero nadadaanan pa ngayon ito ng mga motorista. Sa ngayon, meron nang heavy equipment sa lugar. Ang mga motorista na patungong R. Magsaysay ay maaring dumaan sa Vicente Cruz at D. Tuazon habang ang mga papunta sa AH Lacson Avenue ay mare-reroute sa Espana Boulevard. - TeleRadyo 2 Pebrero 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Fajardo Bridge, Sampaloc, Maynila, DPWH, MMDA, TeleRadyo, motorista, Read More: Fajardo Bridge Sampaloc Maynila DPWH MMDA TeleRadyo motorista