PatrolPH

Gawing RFID-exclusive ang ilang parte ng tollway, inalmahan

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2019 04:16 AM

Inalmahan ng ilang motorista at kongresista ang plano ng Skyway Corp. na gawing eksklusibo sa Radio Frequency Identification o RFID users ang ilang bahagi ng tollway. Pero giit ng pamunuan ng Skyway, libre naman ang RFID tag at makatutulong ito para mabawasan ang traffic. I-Bandila mo, Kristine Sabillo. — Bandila, Biyernes, 1 Pebrero, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.