Batang magkapatid pinaslang; suspek patay nang manlaban sa pulis

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2017 10:06 AM | Updated as of Aug 02 2017 11:28 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Natagpuang patay sa isang abandonadong fishpond ang magkapatid na menor de edad sa Bunawan, Agusan del Sur.

Biyernes pa nawala ang magkapatid na pito at siyam na taong gulang matapos pumunta sa bundok para kumuha ng gulay.

Suspek naman sa pagpatay ang isang Welmar Penaloga, lalo't natagpuan sa kanyang bahay ang damit ng mga biktima.

Sinubukan pang tumakas ni Penaloga at pinaputukan pa umano ang mga aarestong pulis kaya binaril siya ng mga ito at napatay.

Base naman sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa bangkay ng magkapatid, posible umanong hinalay muna sila bago pinatay.

Iniimbestigahan pa kung may mga kasama ang suspek sa pagpatay sa mga biktima. Umagang Kay Ganda, 2 February 2017