Mga face mask sa Pilipinas, nagkakaubusan dahil sa banta ng 2019-nCoV

ABS-CBN News

Posted at Feb 01 2020 12:34 AM

Watch also in iWantTFC

Dinagsa ng mga mamimili ang mga bentahan ng face mask matapos kumpirmahin kahapon ng Department of Health na may nagpositibo na sa novel coronavirus o 2019-nCoV sa bansa. Nagkakaubusan na rin ng supply. Nagbabala naman ang Palasyo sa mga negosyanteng nananamantala at nag-iipit ng supply ng face mask. Habang ang Department of Trade and Industry, nakiusap sa publiko na huwag mag-panic buying. I-Bandila mo, April Rafales.—Bandila, Biyernes, 31 Enero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.