PatrolPH

Presyo ng ilang isda sa Kamuning Market bumaba

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2022 09:35 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Unti-unti nang bumaba ang presyo ng ilang isda sa Kamuning Market sa Quezon City.

Ayon sa ilang nagtitinda, halos P60 ang natapyas sa presyo ng galunggong nitong Lunes. Ito'y matapos dumami ang suplay ng sariwang galunggong kumpara noong nakaraang linggo.

Bumaba na rin sa P120 per kilo ang tilapia mula sa P150. Nasa P200-P200 per kilo naman ang bangus depende sa laki.

Samantala, kung bagsak presyo ang isda, nananatiling mataas ang presyo ng baboy dito sa merkado.

Ayon sa ilang nagtitinda, nasa P285 per kilo na ang kanilang sabit ulo kaya pumalo na sa P380 per kilo ang laman habang nasa P400 per kilo ang liempo.

Maliliit din ang mga baboy na nakakarating sa kanila mula sa Visayas o Mindanao.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.