LTO magbubukas ng weekend para sa rehistro ng sasakyan

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2018 01:28 PM | Updated as of Jul 31 2019 05:22 PM

Watch also in iWantTFC

Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) ngayong Miyerkoles na plano nitong magbukas tuwing weekend para maasikaso ang mga magpaparehistro ng kanilang sasakyan.

Ito'y matapos sumikip ang daloy ng trapiko sa East at Quezon Avenues kamakailan dahil sa mga sasakyang nagpaparehistro sa punong-tanggapan ng LTO, dagdag pa ang mga nasita sa kampanyang "Tanggal Bulok, Tanggal Usok." 

"Naka-schedule na iyon na bukas kami ng Sabado at Linggo," ayon kay LTO chief Edgar Galvante sa panayam sa DZMM. 

Pinalawig na rin aniya ang kanilang office hours hanggang alas-10 ng gabi. 

Umapela naman si Galvante sa mga motorista na ipaayos na ang mga diperensiya ng sasakyan imbes na hintayin pang masita ng mga awtoridad. 

DZMM, 31 Enero 2018 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.