PatrolPH

Bus, nasunog sa Makati

Champ de Lunas, ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2023 10:14 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA-- Isang pampasaherong bus ang nasunog sa EDSA Ayala northbound Linggo ng gabi.

Dakong 9:20 p.m. nang mapansing umuusok ang makina ng pampasaherong bus na biyaheng Monumento galing sa Paranaque Interated Terminal Exchange (PITX). 

Kuwento ng driver, may naamoy na siyang usok ng binabaybay nila ang Pasay road. At dahil hindi mawala itinigil na niya ang bus sa bahagi ng EDSA-Ayala. 

Laking gulat ng inspector ng bus sa nangyari dahil bago pa ang naturang bus, na hindi pa umaabot ng isang taon. 

Sa 25 pasahero, dalawa ang nasaktan makaraang magkaroon ng kaguluhan. 

Sa ngayon nasa garahe na ito ng kumpanyang nagmamay-ari ng bus sa Bulacan at inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog.

--TeleRadyo, 30 Enero 2023

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.