Home > News 2 babaeng nagnakaw sa Pakistani, timbog sa Makati Anna Cerezo, ABS-CBN News Posted at Jan 30 2023 08:09 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA -- Desidido ang biktimang Pakistani na kasuhan ang dalawang kaibigang babae matapos na nakawin ang kanyang cellphone at pera na nagkakahalaga ng P50,000. Matapos nakawin sinabi pa umano ng mga suspek sa Pakistani na ibabalik nila ang cellphone kapalit ng P5,000. Dito na humingi ng tulong ang lalake sa mga pulis na agad na nagkasa ng entrapment operation. Sa isang cafe sa Barangay Poblacion, Makati, nagkasundo ang mga suspek at biktima na magkita dakong 8 p.m. Linggo ng gabi. Matapos matanggap ang P5,000 mula sa suspek, agad inaresto ng mga pulis ang dalawang babae. Nilinaw naman ng dalawang suspek na P20,000 lamang ang kinuha nila. May naibalik din daw sila na P5,000. Iginiit din ng mga ito na ibinigay umano ng biktima ang cellphone sa kanila at hindi nila ninakaw. Humingi naman ng tawad ang mga suspek. Nakiusap pa ang isa na sana maintindihan ng biktima na nagawa niya lamang niyang magnakaw para sa kanyang sanggol na anak. Pero nanindigan ang Pakistani na ipakulong ang dalawa. Nagbabala naman sa mga dayuhan ang hepe ng Makati City na mag-ingat sa ganitong modus sa lugar. Inihahanda ang kasong robbery extortion sa dalawang suspek. --TeleRadyo, 30 January 2023 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog news Read More: robbery extortion Filipina Pakistani crime Makati pagnanakaw