Bawal hawak-kamay, palitan ang Holy Water: Paalala ng Simbahan sa panahon ng coronavirus

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2020 12:44 PM

Watch also in iWantTFC

Nagpalabas na ng panuntunan ang Simbahang Katolika sa Pilipinas para sa mga mananampalataya laban sa nakahahawang novel coronavirus o 2019-nCoV.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, tanging suhestiyon o mga pakiusap lamang ang mga ito bilang pag-iingat kontra sa bagong strain ng coronavirus mula China.

"Kailangan nating mag-ingat pero 'wag naman tayong mag-create ng atmosphere na magpa-panic 'yung mga tao," sabi ni Pabillo.

Bukod sa pagdarasal ng Oratio Imperata, inirerekomenda ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagtanggap ng komunyon sa kamay; pagpapalit ng Holy Water sa mga simbahan; paglalagay ng protective cloth sa grills ng confessionals; at ang pag-iwas muna sa paghawak ng kamay sa pagkanta o pagdarasal ng "Ama Namin."

Nananatiling ligtas sa 2019-nCoV ang Pilipinas pero ang sakit na ito ay naging sanhi na ng pagkamatay ng 170 katao sa China.


-- DZMM, 30 January 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.