Panukala ng komiteng rerepaso sa Konstitusyon, titimbangin pa ng Kamara

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2018 01:00 AM | Updated as of Jul 30 2019 02:54 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nakatakdang busisiin ng mga eksperto ang 1987 Constitution, alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Anim na buwan ang ibinigay sa komiteng pinamumunuan ni dating Chief Justice Reynato Puno para bumalangkas ng bagong federal constitution. 

Kabilang sa komite ang iba't ibang eksperto pagdating sa batas at pamamahala. 

Nagbabala na ang isa sa mga bumalangkas ng Saligang Batas na dodoble ang papasaning buwis ng mga mamamayan kapag tuluyang naging pederalismo ang sistema ng gobyerno.

Pero ayon sa isang lider ng Kamara, nasa mga mambabatas pa rin kung susundin ang mga rekomendasyon ng komite. Nagpa-Patrol, Christian Esguerra. TV Patrol, Lunes, 29 Enero 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.