2 lalaki sa labas ng Miss U coronation venue, hinuli

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2017 01:19 PM

Watch also in iWantTFC

Dinala ng mga awtoridad sa command center ang 2 lalaki sa gitna ng Miss Universe coronation dahil sa kanilang kahina-hinalang kilos. 

Kabilang sa mga dinampot ang isang Hansel Hayag na nakitang nagpapaikot-ikot sa coronation venue sa SM Mall of Asia sa Pasay. 

Narekober ang isang wig sa mga gamit ni Hayag. 

Pero depensa niya, naglibot lamang siya sa mall sa pagbabakasaling makakapasok siya kahit walang ticket. 

Hindi naman nakapagbigay ng ID ang isa pang hinuli na si Jonathan Gutierrez.

Ayon sa kanya, napadaan lang siya sa mall bago ang sana'y pagkuha niya ng clearance sa National Bureau of Investigation. -- Ulat ni Fred Cipres 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.