U-turn slot malapit sa General Tinio St. sa Caloocan isasara sa Lunes

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2021 07:42 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Isasarado ang U-turn slot malapit sa General Tinio Street sa Caloocan para bigyang daan ang EDSA Busway simula sa Lunes, Pebrero 1.

Ito ang isa sa mga huling U-turn slots na isasarado ng MMDA at kailangan ng mga motorista na dumiretso sa Monumento Circle.

Sa mga nasa southbound na lilipat sa northbound, sa may Quezon City Academy ang ikot ng mga motorista.

Inaasahan na sisikip ang trapiko sa lugar kapag rush hour. Sabi ng MMDA, para ito sa proyekto nila sa EDSA Busway. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News