PatrolPH

Quiapo Church bukas na muli sa publiko

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2022 12:16 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Binuksan na muli sa publiko ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa Maynila matapos ang 2 linggo pagsara dahil sa COVID-19.

Nasa 30 porsiyento ang kapasidad ng mga papayagan makapasok sa simbahan habang 50 porsiyento naman sa labas. Tuloy pa rin ang online mass na mapapanood ng mga deboto sa Facebook account ng simbahan.

"Patuloy pa rin na pinapaalala namin sa mga pupunta dito sa Quiapo na meron pa ring virus. Patuloy pa rin tayong dapat makiisa at mag-ingat. 'Yung mga basic protocols ay huwag kakalimutan... kahit anong alert level," ani Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, sa panayam sa TeleRadyo Biyernes.

Halos buong buwan ng Enero ay sarado ang simbahan dahil ipinagbawal rin ang mga prusisyon at iba pang aktibidad nitong Traslacion ng Poong Nazareno dahil sa dami ng mga nagkakasakit ng COVID-19.

Mananatili sa Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang katapusan ng Enero.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.