PatrolPH

'Pinagbaha-bahagi nila': Baboy nasagip sa laot sa Oriental Mindoro

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2021 08:55 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Nasagip ng mangingisda ang isang baboy sa laot sa bayan ng Pola, Oriental Mindoro, ayon sa bise alkalde nitong Huwebes.

Namataan noong Enero 14 at 25 ang ilang patay na baboy na lumulutang sa karagatan na nasasakupan ng 3 barangay ng bayan, ani Vice Mayor Leandro Panganiban Jr.

May nakakuha rin umano ng buhay na baboy, dagdag niya.

"'Yun pong maliliit na mangingisda natin may nakita sa laot na buhay. Naisagip po nila kasi mga ilng piraso yung nakikita nilang lumalangoy pa kaya lang maliit lang ang bangka nila. Ang nasagip lang nila isa...Pinagbaha-bahagi nila," ani Panganiban sa Teleradyo.

"Ang teorya po natin d'yan 'yun pong mga bumabiyahe galing Romblon o kaya Iloilo na papuntang Maynila. Baka umalastra, nalaglag. Wala naman ho kasing lumubog na barko dito."

Nagnegatibo naman sa African swine fever ang mga patay na baboy at nailibing na, ayon sa bise alkalde.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.