Mga jeepney driver na 'di pa makabiyahe, kanya-kanyang diskarte para mabuhay

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2021 11:41 AM

Watch more News on iWantTFC

Kaniya-kaniya ang paghahanap ng diskarte ng ilang mga tsuper ng pampasaherong jeep habang hindi pa binubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang kanilang mga ruta dahil pa rin sa mga limitasyon sa ilalim ng quarantine.

Isa sa mga natenggang tsuper ay pansamantalang namasukan muna bilang taxi driver para lang may pangtustos sa renta ng inuupahang bahay at maging sa pag-aaral ng kaniyang anak.

Isang driver din sa Barangay Pinagkaisahan sa Quezon City ang naghanap ng ibang operator na may mga ruta nang puwedeng bumiyahe at nakihiram muna ng jeep para siya ay makapamasada.

Marami pa ring mga jeepney drivers ang wala pang makitang alternatibong kabuhayan at patuloy na namamalimos pa rin sa kalsada.

- TeleRadyo 28 Enero 2021