Magalong maaaring maparusahan sa pagdalo sa viral Baguio party

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2021 07:05 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Posibleng maparusahan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos dumalo sa isang dinner party na umani ng batikos sa social media dahil sa umano'y paglabag sa health protocols.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla, may kaakibat na parusa ang pagtitipon base sa mga lokal na ordinansa.

Pinagpapaliwanag din ang The Manor dahil sa paglabag nito sa COVID-19 protocols.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.