TINGNAN: Loob ng binombang Jolo Cathedral

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2019 09:25 AM

Watch also in iWantTFC

JOLO, Sulu - Nagkabasag-basag ang mga salamin sa loob ng katedral sa lungsod na ito nang pasabugin ng mga hinihinalang terorista o bandido.

Sa ulat ni Raffy Santos ng ABS-CBN News mula sa loob ng simbahan nitong Lunes ng umaga, makikitang pati ang bubong ay nagtamo ng pinsala. Kita rin umano ang bakas pa ng dugo malapit sa pinaniniwalaang sentro ng pagsabog.

Nasa 20 ang nasawi habang 112, kasama ang 3 mga bata, ang nasugatan sa pagsabog na nangyari wala pang isang linggo matapos bumotong huwag sumali sa bagong Bangsamoro region ang Sulu.