Home > News Araw ng Poong Nazareno sa Quiapo dinagsa ABS-CBN News Posted at Jan 27 2023 08:31 AM | Updated as of Jan 27 2023 08:32 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Nagsidatingan ang mga deboto ng Itim na Nazareno dito sa Quiapo Church ngayong umaga para sa Araw ng Poong Nazareno at misa ngayong huling Biyernes ng buwan ng Enero. Ito ay iniaalay din kay Santa Angela ng Merici na patron saint ng mga may sakit. Tanyag ang mga himala ng Itim na Nazareno, base na sa mga kwento ng mga debotong pinagaling, at tinupad ng Poon ang kanilang mga personal na panalangin at hiling. Sinulog festival, ipinagdiwang sa Hong Kong Mahigpit pa din na pinapatupad ang health and safety protocols dito. Bawal pa din pumasok sa gilid ng simbahan sa Quezon Boulevard dahil exit lamang ito. Nananatili naman na entrance o daan papasok ng mga magsisimba ang Villalobos at Carriedo street. Alas 4 ng umaga nagsimula ang unang misa at alas 8 naman mamayang gabi ang huli—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Quiapo Church Araw ng Poong Nazareno Itim na Nazareno