Home > News Galvez: Pagbabakuna sa edad 5-11 sa Pebrero 4 tuloy na Davinci Maru, ABS-CBN News Posted at Jan 27 2022 11:37 AM | Updated as of Jan 27 2022 11:51 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA—Magsisimula sa Pebrero 4 ang pagbabakuna kontra COVID-19 ng mga batang edad 5 hanggang 11 sa Pilipinas, ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. "Tuloy na tuloy na po 'yung ating pagbabakuna ng 5 to 11 kasi nakita po natin na parating na po ang ating mga produkto at tinatawag nating vaccine special formulation sa 5 to 11," aniya sa panayam sa TeleRadyo Huwebes. May 10 micrograms lang ang kada dose para sa mga edad 5 hanggang 11, kompara sa 30 micrograms na dose para sa mga edad 12 pataas. Sabi ni Galvez, inaasahang darating sa susunod na linggo ang Pfizer doses. DOH: Bilang ng namatay sa omicron sa bansa, umakyat sa 5 Magsisimula aniya ang pagbabakuna sa Metro Manila kung saan mayroong 24 vaccination sites para sa age group. Target na palawagin ito sa ibang rehiyon matapos ang isang linggo. Dagdag ni Galvez, plano rin ng pamahalaan na magbigay ng booster shots para sa mga bata. Base sa datos ng gobyerno, higit 59.9 milyong Pilipino ang nakatanggap ng first dose habang 57.8 milyon ang fully vaccinated. Nasa 6.6 milyon naman ang may booster dose na. Pagtuturok ng booster shots minamadali para sa 'immunity wall' Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: TeleRadyo Tagalog news Carlito Galvez vaccine czar COVID-19 COVID19 coronavirus COVID-19 vaccination children kids pediatric vaccination 5 to 11