Home > News P13-M shabu, nasamsam sa Caloocan buy bust operation ABS-CBN News Posted at Jan 26 2022 06:47 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC Arestado ang isang 25 anyos na suspek matapos mahulihan ng shabu na may halagang higit P13 million sa Brgy Bagong Silang, Caloocan City. Inaresto ng Special Operations Unit 3 ng Philippine National Police Drug Enforcement Group kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency-NCR at Caloocan City Police Station Sub-Station 12 ang suspek na kinilalang si alyas Jane sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Langit Road corner Crusher Street, Phase 9 alas 4:30 Martes ng hapon. Nakumpiska kay alyas Jane ang humigit kumulang 2 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P13,600,000 ang standard drug price. Nakuha din ang buy-bust money, isang brown Louis Vuitton sling bag, at isang light brown pouch na naglalaman ng mga ID at isang smartphone. Nasa kustodiya ng SOU 3, PNP DEG ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber tagalog news Read More: shabu war on drugs drugs krimen tagalog news teleradyo