Lalaki nahulihan ng cocaine sa QC

Nico Bagsic, ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2022 07:02 AM

Watch more News on iWantTFC

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng 50 grams ng cocaine sa ikinasang buy bust sa harap ng isang restaurant sa West Avenue, Barangay Kaunlaran, Quezon City.

Bandang alas 3 ng madaling araw ng January 25 hinuli ang suspek sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City.

Narecover sa kanya ang nasa 50 gramo ng cocaine na nagkakalahalaga ng P265,000 kasama na ang buy bust money.

Agad naman pinadala sa QCPD Crime Laboratory ang nakumpiskang droga para sumailalim sa forensic examination.