PatrolPH

1 sugatan sa banggaan ng motorsiklo, garong sa Sampaloc

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2022 11:51 AM | Updated as of Jan 26 2022 12:00 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Nakahandusay sa España Boulevard ang isang motorista matapos mabangga ang minamaneho niyang motorsiklo nitong Miyerkoles ng umaga.

Papunta sana sa Divisoria si Karl Argente bandang alas-5 ng umaga para maghakot ng paninda nang salpukin siya ng isang garong mula M. Dela Fuente St.

Sa lakas ng banggaan, tumagilid ang garong at tumilapon si Argente.

Ayon sa testigong si Danilo Guevarra, naka-red light noon sa Dela Fuente St. pero dire-diretso ang garong kaya tinamaan nito ang motor.

Dalawang lanes sa southbound ng España ang okupado ng insidente kaya bumigat ang trapiko na tumama pa sa rush hour. Halos 2 oras din ang tumagal bago matanggal ang mga sasakyan.

Ang mga rescue volunteers, itinakbo sa ospital si Argente na ininda ang sugat sa noo at sakit sa ilang bahagi ng katawan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.