Ambulansiya tumagilid matapos mabangga ng SUV sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2021 08:59 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Tumagilid ang isang ambulansiya matapos itong mabangga ng isang SUV sa intersection ng Aurora Boulevard at Araneta Avenue sa Quezon City nitong Martes ng umaga.

Dinala sa ospital ang driver, staff at pasyenteng laman ng ambulansiya na papunta sana sa isang dialysis center sa Bonifacio Avenue matapos magtamo ng minor injuries.

Maayos naman ang lagay ng 3 sakay ng SUV. Ayon sa driver nito, hindi niya napansin na patawid ang ambulansiya kaya niya ito nabangga.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.