[CMSAbstractTransformation.DataBind]: Object reference not set to an instance of an object.

Presyo ng gulay sa Legazpi, tumaas

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2018 09:39 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Tumaas ng hanggang P20 ang presyo ng mga ibinebentang gulay sa Legazpi Public Market dahil naapektuhan ang mga pananim doon ng abong ibinubuga ng bulkang Mayon.
    
Halos wala nang supply ng gulay o locally produced vegetables sa palengke kaya wala na rin maitinda si Joel Aydalla.

Sa Barangay Mabinit, Legazpi siya kumukuha ng supply na nasa loob ng danger zone.

Karamihan sa kanila ay sa labas na lang ng Bicol bumibili ng supply na mas as mahal kumpara sa locally produced vegetables.

Mula P5 hanggang P20 na ang itinaas sa presyo ng mga gulay gaya ng ampalaya na dati ay P100 ang kilo, ngayon P120 na. Ang talong na P80 kada kilo dati ay nasa P100 na.

Sa ngayon, patuloy ang pag-iikot ng Department of Trade and Industry Bicol para ma-monitor ang ipinapatupad nilang prize freeze ngayong nasa state of calamity ang Albay. – Umagang kay Ganda, 26 January 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.