Di nakarating na balikbayan boxes, idinulog sa Lingkod Kapamilya

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2018 05:16 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Dumulog sa Lingkod Kapamilya ang isang balikbayan mula America para humingi ng tulong hinggil sa nawawalang balikbayan boxes na kanilang ipinadala. 

Ayon kay Jolly Ramos, ipinadala nila sa isang door-to-door service sa Las Vegas ang tatlong balikbayan boxes na naglalaman ng mga damit at medical equipment na kakailanganin ng kanyang asawang may disabilidad noong Oktubre 7.

Pinangakuan sila ng kumpanya na darating ito sa kanilang bahay sa Bauan, Batangas ng isa’t kalahating buwan. Pero hanggang ngayon, o halos tatlong buwan na ay wala pa rin ang kanilang mga gamit.

Nangako naman si Atty. Joseph Manuel Pamittan, Division Chief ng Mediation Division, Fair Trade Enforcement Bureau ng DTI na tutulungan sila. DZMM, 26 January 2018
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.