Home > News Traffic enforcer tinangkang saksakin umano ng driver, konduktor ng jeep sa QC ABS-CBN News Posted at Jan 25 2023 09:08 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Arestado ang driver ng isang pampasaherong jeep at ang konduktor nito matapos tangkaing saksakin ang nakaalitang traffic enforcer sa Novaliches, Quezon City. Nakuhanan ng cellphone video ang pag-aamok ng dalawa. Sa imbestigasyon ng Novaliches Police Station 4, pinara ng traffic enforcer na si Paul Arthur Ramos ang jeepney driver makaraan nitong lumabag sa "no loading and unloading zone". Ikinagalit ito ng driver, minura at hinamon ng suntukan ang traffic enforcer. Tinangka ng kasama nitong konduktor na rumesbak at inilabas ang dalang kutsilyo. Sa puntong ito, kinuyog na ng taong bayan ang mga suspek at itinurn over sa mga pulis. Pulis, tiklo sa drug buy-bust operation Todo-tanggi naman ang mga suspek sa kanilang ginawa at sinabing pinag-iinitan lamang sila ng traffic enforcer. Nasamsam mula sa isa sa mga suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at narekober din mula sa mga ito ang patalim. Patong patong na kasong direct assault, resisting arrest, disobedience in person of authority, alarm and scandal at possession of illegal drugs ang kinakaharap ng mga suspek.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Novaliches Quezon City traffic enforcer saksak driver konduktor