PatrolPH

Punong barangay, nanuntok umano ng tauhan ng MMDA

Karen de Guzman, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2023 09:59 AM

Watch more on iWantTFC

Sumiklab ang tensyon sa isinagawang sidewalk clearing operation ng MMDA matapos suntukin umano ng isang barangay chairman ang isang MMDA personnel sa Tondo, Manila Martes. 

Kwento ng MMDA metro aide na si Mark Anthony Medios, inutusan sila na tanggalin ang sagabal na vendo carwash sa daan nang biglang dumating ang may-ari nito na isa palang kapitan ng barangay. 

Galit na sinabi umano nito na sagot niya ang naturang vendo carwash dahil nasa barangay niya at hinamon na memohan siya.

Nakipagtalo pa ito kay MMDA Task Force Special Operations and Anti-Colorum Unit head Bong Nebrija.

Habang isinasagawa ang clearing operation, sinuntok umano ni kapitan si Medios sa tagiliran. 

Hindi naman ito nakapagsalita agad sa pagkabigla sa pangyayari.

Matapos ang insidente, dumulog ang MMDA sa pulisya para maaresto ang suspek. Nakipag-ugnayan naman si Nebrija sa DILG upang mapanagot ang punong barangay. 

Ngayong umaga ay iinquest na ang punong barangay at mahaharap sa kasong direct assault. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.