PatrolPH

Imported na sibuyas ibinebenta ng P200-P280/kg sa Balintawak

Champ de Lunas, ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2023 09:07 AM

Watch more on iWantTFC

May mabibili nang imported na sibuyas dito sa Balintawak Market, Quezon City.

Madaling araw kanina nang dumating ang mga imported na sibuyas. Kung dati ay umaabot sa P600 kada kilo ang pulang sibuyas, 280 pesos na lang presyo nito sa ngayon.

Samantala, bumaba din ang presyo ng puting sibuyas na dating P220 kada kilo ay P200 na lamang ngayon araw dito sa Balintawak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.