Home > News Ilang taxi driver, iniinda ang taas-presyo ng petrolyo Nico Bagsic, ABS-CBN News Posted at Jan 24 2023 03:15 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Napapakamot na lang ng ulo ang mga taxi driver na nakausap ng ABS-CBN News nang malaman na nasa halos P3 kada litro ang tinaas sa presyo ng gasolina ngayong araw. Ang drayber na si Aries Maloles, nakapila pa hatinggabi ng Martes sa isang terminal ng mga taxi kahit nais na niyang umuwi. Nang mabalitaan ang big-time na oil price hike ngayong araw, nagpasya siya magtiyaga muna sa magdamagang pamamasada. Si Noel Santos naman, na mahigit 40 years nang taxi driver, aminadong ang pinakamahirap sa pamamasada ay hindi ang kawalan ng pasahero kundi ang taas ng presyo ng gasolina. Ayon naman sa ibang mga taxi driver, kung magkano na lang muna ang kanilang extra sa pamamasada ay ang tanging ipapakarga nila para kahit paano ay may maiuwi namang kita sa kanilang mga pamilya. — TeleRadyo, 24 Enero 2023 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber tagalog news Read More: gasolina gas gas prices oil oil orices taxi driver presyo ng petrolyo