Home > News 3 menor de edad tiklo sa panghoholdap, pambubugbog sa QC ABS-CBN News Posted at Jan 24 2023 07:43 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Naaresto na ang tatlong menor de edad na sinasabing responsable sa serye ng mga pambubugbog at panghoholdap sa San Juan City at Quezon City. Ito'y makaraan nilang pagnakawan at pagbubugbugin ang isa pang binatilyo na noon ay may binili lang sa isang convenience store. Ayon sa imbestigasyon ng QCPD, nagwithdraw ng pera ang biktima sa isang ATM sa isang convenience store at nagpaload. Naglalakad na ito nang mamataan ng 3 suspek, na sapilitang kinuha ang kanyang cellphone. Hindi pa nakuntento at pinagbubugbog nila ang biktima. Kinuhang P50, tinuturong sanhi ng pananaksak sa 13-anyos sa QC Ang eksenang ito ang naaktuhan ng mga umiikot na mga barangay tanod at agad inaresto ang mga suspek. Nabigyan na ng paunang lunas ang biktima na nagtamo ng mga galos sa katawan. Nabawi din ang cellphone na ninakaw mula sa biktima. Naabisuhan na umano ng mga awtoridad ang mga magulang ng mga suspek, na ngayon ay nasa kustodiya na ng Galas Police Station at itu-turnover sa QC Social Services Development Department.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: menor de edad holdap bugbog San Juan Quezon City