Home > News Awtoridad na marahas na nagpaalis sa vendors sa Parañaque, sinuspinde ABS-CBN News Posted at Jan 24 2021 09:48 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Watch more in iWantTFC MAYNILA - Sinuspinde na ang mga miyembro ng Parañaque Task Force na marahas na nagpaalis sa mga vendor sa lansangan ng lungsod, ayon kay mayor Edwin Olivarez ngayong Linggo. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at maaaring matanggal sa serbisyo ang mga ito kung mapatutunayang mayroong harassment at kalabisan sa pagpapatupad ng kanilang awtoridad nang ikasa ang operasyon, ayon sa alkalde. ‘Overkill na’: Pagposas, pagsipa sa lalaki sa clearing ops iimbestigahan Clearing operations sa Parañaque nauwi sa tensiyon "Pinabigyan ko na ng preventive suspension ang mga na-involve po dun. Ang akin pong bilin sa kanila, susunod tayo sa protocol at kailangan maximum tolerance," ani Olivarez sa panayam sa ABS-CBN TeleRadyo. "Binibigyan ng notice muna sila para magtanggal po sila ng kanilang obstruction sa kalsada... Di po pwede na kunin ang paninda. Kinakausap nang maayos na tanggalin ang obstruction sa kalsada," sabi ng alkalde nang tanungin kung ano ang protocol sa pagsita sa mga street vendor. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Share on Twitter LinkedIn Tagalog news, Teleradyo, Parañaque City, Edwin Olivarez, street vendors, clearing operations Read More: Tagalog news Teleradyo Parañaque City Edwin Olivarez street vendors clearing operations