Mga biyahe papunta at galing sa Wuhan, kanselado na

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2020 01:09 AM

Watch also in iWantTFC

Kinansela na ang mga biyahe ng eroplano mula Wuhan, China papuntang Kalibo International Airport. Papayagan namang makalipad ang dalawang huling biyahe mula Kalibo pabalik ng Wuhan na naka-schedule Huwebes ng gabi at sa Sabado. Isang paraan lang ito para mapigilan ang pagkalat ng novel coronavirus kung saan unang naitala ang kaso sa Wuhan, China. Live mula sa Kalibo International Airport, i-Bandila mo, Cherry Palma.—Bandila, Huwebes, 23 Enero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.