Pulis-Makati huli sa pangongotong sa habal-habal driver

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2019 02:06 PM | Updated as of Jan 24 2019 02:19 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inaresto ang isang pulis-Makati matapos maaktuhang nangongotong sa isang habal-habal driver, Huwebes. 

Kuwento ng driver, hiningan siya ng "membership fee" ni SPO4 Danilo Paghubasan, deputy commander ng police community precinct 9, para payagang makabiyahe sa isang ilegal na terminal sa Taguig. 

Nagbanta aniya si Panghubasan na ipahuhuli ang driver sa mga kasabwat na pulis kapag dumaan ito sa Makati. 

Sa pagmamanman ng Counter Intelligence Task Force, nahuli ang pulis na nangongotong ng P40 sa mga driver, dahilan para makaipon siya ng nasa P1,000 kada araw. 

Dinampot si Paghubasan matapos tanggapin ang P15,000 na marked money. 

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Metro Manila chief Director Guillermo Eleazar sa insidente. 

"Malapit nang mag-retire, ang suweldo nadoble't itiinaas na -- anong ginawa n'ya? Kahihiyan sa kaniyang pamilya," ani Eleazar sa isang talumpati sa kaniyang command visit sa Quezon City. 

Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.